Paraan ng paggastos ng DOH, problematic ayon kay Sen. Villanueva
Hinimok ni Senador Joel Villanueva ang Department of Health (DOH) na resolbahin nito ang problemadong paggastos upang mabigyan ng tamang aksyon ang health situation sa bansa.
Kasunod ito ng report ng Commission on Audit (COA) na may problema ang Department of Health sa pamamahala ng COVID 19 funds.
Ipinaliwanag ni Villanueva na sa lahat problemang inilatag ng COA, ang pinakamasakit ay ang delay sa pagbili ng mechanical ventilators.
Batay sa report, ang HEAL COVID-19 Project ay may kabuuang pondo na ₱2 bilyon na maaring gamitin po sa “medical equipment, COVID-19 vaccines, patient transport vehicles at iba pa
Sa naturang halaga, P479.7 milyon lamang ang na-obligate at ito ay para sa 90 units ng mechanical ventilators at 85 units of X-Ray machines.
Subalit natapos ang taon, ayon pa sa mambabatas, nadagdagan na ang mga namatay sa COVID, ngunit wala pang delivery ng anumang equipment na ito.
Kung pasyente anya ang DOH, maituturing na isa sa comorbidities nito. (Dang Garcia)