100K doses ng Sinopharm COVID-19 vaccine dumating sa bansa
Isandaan libong doses ng Sinopharm COVID-19 vaccine ang dumating sa bansa.
Dumating ang shipment ng China-made vaccine na donasyon ng United Arab Emirates, sa Ninoy Aquino International Airport, pasado alas 2:00 ng hapon ng Miyerkules, August 11.
Kabilang sa mga opisyal na sumalubong sa mga bakuna ay sina National Task Force Against COVID-19 (NTF) Assistant Secretary Wilben Mayor; UAE Embassy Acting chargĂ© d’ affaires Khalid Alhajeri; at Bureau of International Health Cooperation Director IV, Ma. Soledad Antonio.
Sinabi ni Mayor na ang mga bagong dating na Sinopharm vaccines ay ipadadala sa mga lugar kung saan may surge ng COVID-19 infections.
Una nang ihayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na plano ng UAE na mag-donate ng 500,000 doses ng sinopharm, na nakatanggap ng emergency use authorization sa Pilipinas noong Hunyo. (Infinite Radio Calbayog)