Davao Oriental niyanig ng magnitude 7.1 na lindol

Davao Oriental niyanig ng magnitude 7.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 7.1 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 95 kilometers southeast ng Governor Generoso ala 1:46 ng madaling araw.

May lalim na 39 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Naitala ang sumusunod na intensities:

Intensity V – Governor Generoso, City of Mati, Baganga, at Lupon, Davao Oriental; Tagum City, Panabo City, Carmen, at Nabunturan, Davao del Norte; General Santos City; Alabel, and Malungon, Sarangani.

Intensity IV – City of Davao; Kiblawan, Davao del Sur; Koronadal City, Tampakan, Tupi, at Polomolok, South Cotabato; Glan, Malapatan, at Kiamba, Sarangani; Monkayo, Davao de Oro

Intensity III – Kabacan, Cotabato; Bayugan, Agusan del Sur

Intensity II – Cagayan de Oro City; Maasim, Sarangani; Arakan at Banisilan, Cotabato

Intensity I – Mambajao, Camiguin Island

Nakapagtala na ang Phivolcs ng aftershocks bunsod ng naturang lindol. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *