Davao City Mayor Sara Duterte nanguna sa presidentiables pre-election survey ng MBC-DZRH
Si Davao City mayor at presidential daughter Sara Duterte ang nanguna sa isinagawang presidentiables pre-election survey ng MBC-DZRH.
Nakakuha si Mayor Sara ng 25.4 percent na boto mula sa mga respondents habang pumangalawa si dating Senador Bongbong Marcos na mayrong 17.7 percent.
Nasa ikatlo hanggang ikalimang pwesto sina Manila City Mayor Isko Moreno (11.2 percent), Senator Grace Poe (10 percent at Senator Manny Pacquiao (10 percent).
Habang nasa pang-anim na pwesto si Vice President Leni Robredo (8.3 percent).
Narito ang iba pang pangalan na lumitaw sa survey:
Senator Bong Go
Senator Panfilo Lacson
Vice President Jejomar binay
Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano
Former Senator Antonio Trillanes
Senator Richard Gordon
Dating SC Justice Antonio Carpio
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 7,500 na respondents sa 37 mga barangay sa Metro Manila at 263 na barangay sa mga lalawigan mula July 24 hanggang July 31. (DDC)