DILG wala pang natatanggap na utos mula Malakanyang tungkol sa pag-take over sa pamamahagi ng ECQ ayuda ng isang LGU
Wala pang natatanggap na utos mula sa Malakanyang ang Department of Interior and Local Government (DILG) para i-take over ang pamamahagi ng ECQ ayuda sa isang LGU sa Metro Manila.
Paglilinaw ito ng DILG kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na inatasan niya ang DILG at ang DSWD na sila ang mamahagi ng cash assistance sa isang LGU sa NCR.
Ayon kay DILG Spokersperson Jonathan Malaya, wala pa silang natatanggap na partikular na utos mula sa palasyo.
Sa kaniyang Talk to the Nation, sinabi ni Pangulong Duterte na inalisan ng kapangyarihan ang isang mayor sa Metro Manila sa pamamahagi ng pinansyal na ayuda sa mga residente ng apektado ECQ.
Ayon sa pangulo, ito ay dahil sa kabiguan ng nasabing mayor na magsagawa ng maayos na pamamahagi ng ayuda. (DDC)