Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa 8,900; dagdag na 6 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng 8,900 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Lunes, Aug. 9 ay 1,667,714 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 8,900 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,560,106 ang gumaling o katumbas ng 93.5 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 7,937 na gumaling.
78,480 naman ang active cases o katumbas ng 4.7 percent.
Nasa 29,128 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.75 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 6 pang nasawi. (Dona Dominguez-Cargullo)