Isa pang pulis pumanaw dahil sa COVID-19
Nakapagtala ng isa pang pulis na pumanaw dahil sa COVID-19.
Sa datos na inilabas ng PNP Health Service, nakapagtala din ng dagdag na 152 na bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng pambasang pulisya.
Dahil dito umabot na sa 31,497 ang total number of cases ng COVID-19 sa PNP.
Sa nasabing bilang, 29,737 ang gumaling na at 1,673 pa ang aktibong kaso.
Nasa 87 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi. (DDC)