Pagkontra ni VP Robredo sa Unification Formula inirerespeto ni Sen. Lacson

Pagkontra ni VP Robredo sa Unification Formula inirerespeto ni Sen. Lacson

Inirerespeto ni Senador Panfilo Lacson ang desisyon ni Vice President Leni Robredo na tanggihan ang inihain niyang unification formula upang pag-isahin ang oposisyon para sa 2022 Elections.

Sinabi ni Lacson na ang kanyang rekomendasyon itinuturing niyang selfless move para tugunan ang ninanais din ni Robredo na pagkakaisa sa pagitan ng kanilang kampo gayundin kasama sina Mayor Isko Moreno, Sen. Manny Pacquiao at Sen. Richard Gordon.

Aminado naman si Lacson na may mga kumplikasyon sa kanyang suhestyon subalit sinsero ito bilang katapat ng sinserong aksyon ni Robredo na magkaroon ng isang kandidato laban sa administration bet.

Kasama anya sa naging suhestyon niya sa kampo ni Robredo na gawing common candidate si Senate President Vicente Sotto III bilang common VP candidate bilang pagtiyak na hindi niya inaabandona ang kanyang partner.

Idinagdag pa ni Lacson na sa ngayon wala siyang naiisip na ibang unification formula lalo’t ang hindi anya paghahain ng COC upang paboran si VP leni sa Oktubre ay malabong mangyarina lalot ang kampanya ay sa Oktubre pa.

Kasabay nito, binigyang-diin ni Lacson na kasama sa kanyang ugali ang seryosng pagtugon sa anumang hamon.

Ipinaalala pa nito na madaling bumuo ng mga konsepto subalit ang pagpapatupad ang mahirap. (Dang Garcia)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *