ACT-CIS, patuloy na hahatiran ng tulong ang mga LGU sa NCR
Patuloy na hahatiran ng ACT-CIS partylist ng mga bigas at delata ang iba pang lungsod sa Metro Manila ngayong nagpapatupad ng lockdown.
Ayon kay ACT-CIS Cong. Eric Yap, nahatiran na ng mga bigas at delata ang Quezon City at Marikina at ilang mga parokya at TODA nitong nakaraang linggo.
Target ng ACT CIS na hatiran ng pagkain ang iba pang mga lungsod sa NCR (National Capital Region) at tapusin ito ngayong linggong ito.
Ani Yap, batid nilang made-delay ang ayuda ng national government sa mga LGU.
Dagdag pa ng kongresista, bagamat batid niya na hindi sasapat ang ayuda nila para sa mga constituents ng bawat lugar, dagdag lamang ang mga ito para sa anumang ayuda na ibibigay ng LGU sa mga residente nila.
Nabatid na umaabot na sa 4,000 sako ng bigas at 500 kahon ng mga sardinas ang naipamahagi na ng ACT-CIS noong nakaraang linggo. (DDC)