VP Robredo magpapasya sa Setyembre o Oktubre kung tatakbo sa 2022 National Elections
Sa Setyembre o Oktubre pa magpapasya si Vice President Leni Robredo kung tatakbo siya sa 2022 National Elections.
Sinabi ni Robredo na gagawin niya ang pagpapasya ilang linggo bago ang pormal na pag-uumpisa ng filling ng certificate of candidacy.
October 8 aniya ang deadline niya sa kaniyang sarili para makapagdesisyon.
Sa ngayon sinabi ni Robredo na susupindihin muna niya ang anumang pakikipag-usap tungkol sa eleksyon lalo pa at muli na namang tumataas ang kaso ng COVID-19.
Kailangan aniyang tutukan ang mga hakbang sa pandemya gaya ng pagtulong sa vaccination program, telemedicine, emergency services at maraming iba pa. (DDC)