35 lugar sa QC nakasailalim sa Special Concern Lockdown Areas

35 lugar sa QC nakasailalim sa Special Concern Lockdown Areas

Nasa ilalim pa rin ng Special Concern Lockdown Areas ang tatlumpu’t limang lugar sa Quezon City.

Ito ay dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.

Araw ng Linggo, August 8 nadagdag sa listahan ng mga lugar na nakasailalim sa lockdown ay ang ilang lugar sa J. Kanlaon St., Brgy. Teresita; isang lugar sa Sinforosa St., Brgy. Bagbag; isang lugar sa Road 14, Brgy. Bahay Toro; P. Valenzuela St., Brgy. UP Campus; bahagi ng Papaya St. sa Luzon Avenue, Brgy. Culiat; isang lugar sa Bukaneg St. Brgy. Sta. Lucia at bahagi ng Lanao St. at Cotabato St., Salam Cmpd., Brgy. Culiat

Ayon sa QC LGU, 14 na araw ang lockdown at partikular na lugar lamang ang sakop at hindi ang buong barangay.

Namamahagi ang lokal na pamahalaan ng food packs at essential kits para sa mga apektadong pamilya.

Ang mga pamilyang nasa lugar na sakop ng lockdown ay sasailalim din sa swab testing.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *