Mahigit 300,000 doses ng Moderna vaccine dumating sa bansa
Dumating sa bansa ang mahigit 300,000 doses ng Moderna COVID-19 vaccine.
Sinalubong ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, BOC NAIA District Collector Carmelita M. Talusan, DOH Director Ariel Valencia, at Zuellig Pharma SVP Raymund Azurin ang 326,400 doses ng Moderna COVID-19 vaccine na dumating sa NAIA Terminal 3 alas 3:35 ng hapon ng Linggo, August 8.
Ayon sa National Task Force Against COVID-19, 224,400 doses sa nasabing mga bakuna ay para sa pamahalaan at ang 102,000 doses ay sa International Container Terminal Services, Inc. (DDC)