Mga tagasuporta binalaan ni Mayor Sara Duterte sa paggamit ng kaniyang pangalan sa mga personal na transaksyon
Nagbabala si Davao City Mayor Sara Duterte sa kaniyang mga tagasuporta na ginagamit ang kaniyang pangalan sa kanilang personal na transaksyon.
Pahayag ito ni Mayor Sara kasunod ng kumalat na video sa social media na nagpapakita ng tatlong lalaki sa Davao International Airport at nag-uusap tungkol sa paggamit eroplano para sa campaign materials.
Ayon kay Mayor Sara, wala siyang kahit sinong sinasabihan pa na siya ay tatakbong presidente ng bansa.
Hindi rin aniya siya nakikipagpulong sa kahit na kanina tungkol sa paggamit ng eroplano para sa kaniyang campaign materials.
Ani Mayor Sara, hindi rin niya kilala ang mga nasa video na sinasabing sina PSI Manager Gino, Bong Acquia, TG Ponce, at ang political coordinator ng Ituloy Ang Pagbabago Movement (IPM).
Hindi rin umano siya miyembro at kunektado sa anumang aktibidad ng IPM.
Babala ni Mayor Sara hindi niya kailanman kukunsintihin ang paggamit sa kaniyang pangalan.
Minsan na aniya siyang nagsampa ng kaso laban sa gumamit sa kaniyang pangalan at sumuporta sa kaso laban sa isang organized crime group ng mga money scammers na ginamit din ang pangalan niya sa ilegal na aktibidad.
Ani Mayor Sara hindi siya mangingiming magsulong ng legal action laban sa mga susubok na wasakin ang kaniyang reputasyon kahit pa tagasuporta niya ang mga ito. (DDC)