DOH nakapagtala ng 119 na bagong Delta variant case ng COVID-19

DOH nakapagtala ng 119 na bagong Delta variant case ng COVID-19

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng dagdag na 119 na Delta variant cases ng COVID-19.

Batay ito sa isinagawang sequencing ng Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH).

Ayon sa DOH, sa 119 na dagdag na Delta variant cases, 93 ay pawang local cases, 20 ang Returning Overseas Filipinos (ROF), at 6 na kaso ang bineberipika pa.

Ang 93 local cases ay mula sa sumusunod na mga rehiyon:

NCR (18 cases)
CALABARZON (14)
Central Luzon (18)
Western Visayas (31)
Northern Mindanao (8)
Central Visayas (1)
Eastern Samar (1)
Zamboanga Peninsula (1)
Cordillera Administrative Region (1)

Sa 119 na bagong Delta variant cases, 118 ang naka-recover na.

Dahil sa dagdag na mga kaso umabot na sa 450 ang total Delta variant cases sa bansa.

Kinumpirma din ng DOH na may naitala nang Delta variant cases sa 17 lungsod at munisipalidad sa NCR.

Samantala, may naitala ding dagdag na 125 na Alpha variant, 94 na BEta variant at 11 O.3 Variant. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *