Mahigit P10B na pondo bilang ayuda sa mga maaapektuhan ng ECQ sa NCR inilabas na ng DBM
Nagpalabas na ang Department of Budget and Management (DBM) ng mahigit P10 billion na pondo para ipangtulong sa mga maaapektuhan ng muling pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region.
Kabuuang P10.894 Billion ang inilabas ng DBM na ibibigay sa mga pamilyang apektado ng lockdown mula August 6 hanggang August 20.
Ire-release ang pondo sa mga concerned local government units at sila ang mamamahagi ng ayuda.
Ang mga apektado ng lockdown ay makatatanggap ng P1,000 bawat osa o hindi lalagpas ng P4,000 bawat pamilya.
Inaasahang aabot sa 10.9 million katao ang makikinabang sa ayuda o 80 percent ng populasyon ng Metro Manila. (DDC)