194 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng dagdag na 194 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Biyernes, August 6, sumampa na sa 36,992 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,349 ang active cases at 35,221 naman ang gumaling.
422 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Ang 194 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:
Leyte (86)
Ormoc City (42)
Tacloban City (29)
Eastern Samar (15)
Samar (14)
Southern Leyte (8)
Muling itinaas sa “high” ang average daily attack rate sa Tacloban ity at Ormoc City.
Pawang nasa “medium” naman ang average daily attack rate sa Leyte, Southern Leyte, Samar, Northern Samar, at Eastern Samar.
Habang “low” naman sa Biliran. (Dona Dominguez-Cargullo)