Pamahalaang bayan ng Taytay nanawagan ng dagdag na suplay ng bakuna
Nanawagan ng dagdag na suplay ng bakuna ang pamahalaang bayan ng Taytay sa lalawigan ng Rizal.
Ito ay makaraang 3,000 doses lamang ng Sinovac ang panibagong inilaan ng Department of Health (DOH) para sa Taytay.
Ayon kay Taytay Mayor Joric Gacula, batid nilang mayroong kakulangan at kabagalan sa pagdating ng supply ng bakuna.
Gayunman, hindi aniya sapat sa dami ng mamamayan ng Taytay ang kakarampot na bilang ng bakunang dumarating.
Base sa 2020 Census Report ng Philippine Statistics Authority, pangalawa ang Taytay sa pinakamalalaking munisipalidad sa buong Pilipinas batay sa dami ng populasyon.
Mayroon itong 386,451 na populasyon
Dahil dito nanawagan si Gacula na dagdagan ng DOH ang bakunang inilalaan para sa bayan.
Sinabi ni Gacula na nakahanda ang kanilang storage facilities, mga vaccination centers, at lahat ng healthcare workers para sa pagbabakuna.
Batay sa update mula sa Provincial Director ng DOH narito ang allocation ng bakuna para sa bawat bayan ng Rizal:
2,000 doses: ANGONO
1,700 doses: BARAS
3,000 doses: BINANGONAN
11.000 doses CAINTA
1,200 doses: CARDONA
1,200 doses: JALAJALA
1,700 doses: MORONG
1,200 doses: PILILLA
11,400 doses: MONTALBAN
3,000 doses: SAN MATEO
2,200 doses: TANAY
3,000 doses: TAYTAY
1,200 doses: TERESA