Sec. Villar binisita ang tatlong pangunahing proyekto sa Region 8
Nagsagawa ng inspeksyon si Public Works and Highways Sec. Mark Villar sa mga proyekto sa Region 8.
Kabilang sa pinuntahan ni Villar ay ang ginagawang Tacloban City By-pass Road, Palo West By-pass Road at Leyte Tide Embankment (Sections 4 and 5) Projects.
Ang Tacloban City By-pass Road at Palo West By-pass road projects ay kapwa 100 porsyento nang kumpleto.
Layon ng dalawang proyekto na mapagbuti ang traffic condition sa Leyte at mapakikinabangan ito ng mahigit isang libong motorista kada araw.
Samantala, Villar ang Leyte Tide Embankment project naman ay layong maprotektahan ang ang mga naninirahan sa coastal areas ng Tacloban City at munisipalidad ng Palo at Tanauan, Leyte.
Ani Villar, mahigit 33,000 residente ang makikinabang sa proyektong ito na ngayon ay 79.81 percent nang kumpleto. (DDC)