Inilabas na show cause order vs Mayor Isko Moreno binawi ng DILG

Inilabas na show cause order vs Mayor Isko Moreno binawi ng DILG

Binawi ng Department of the Interior and Local Government ang inilabas na show cause order laban kay Manila City Mayor Isko Moreno.

Sa dokumento na nilagdaan ni DILG Undersecretary for External and Legislative Affairs Recojudge Janvier Echiverri nakasaad na ang inilabas na show cause order ay “inadvertent re-issuance”.

Ayon sa DILG ito ay bunsod ng pagkakamali sa nasabing kautusan.

Sinabi sa memorandum ang unang show cause order ay ibinaba sa Manila City Government noong 2019 dahil sa bagsak na grado sa Anti-Drug Abuse Council audit sa taong 2018.

Gayunman, ani Echiverri, ang mababang performance ng nasabing LGU ay sa ilalim ng pamumuno noon ni dating Mayor Joseph Estrada.

Ang show cause order na inisyu noong July 9, 2021 ay ikalawa nang ipinadala sa Manila City LGU.

Si Moreno ay nahalal lamang bilang mayor ng Maynila taong 2019.

Noong 2018 siya ay naninilbihan bilang undersecretary sa DSWD. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *