Mga cybercriminals, credit card fraudsters, identity thieves pinakakasuhan

Mga cybercriminals, credit card fraudsters, identity thieves pinakakasuhan

Iginiit ni Senador Win Gatchalian na dapat sampahan ng mga awtoridad ng pinakamabigat na mga kasong kriminal ang mga credit card fraudsters at tugisin ang mga patuloy na gumagawa ng identity theft at iba pang uri ng cybercrime.

Ginawa ito ng senador matapos ang pag-aresto ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Julius Anacin, isa sa mga suspek sa ginawang pag-hack sa credit card niya noong Enero 6 at ginamit para makabili sa isang online delivery platform ng mga alak na umabot sa halagang P1.1 milyon.

Inihain ni Gatchalian ang Senate Bill No. 2287 o ang panukalang Financial Products and Services Consumer Protection Act na nagpapalawak sa mga masasakop na financial services at magbibigay ng dagdag na kapangyarihan at pagtutulungan ng mga financial regulators upang isulong ang kapakanan ng mga konsyumer.

Kaagad na umani ng papuri ang NBI mula sa mambabatas dahil sa pagpupursige ng ahensya sa pagtugis sa mga hackers. Hinimok din ni Gatchalian ang ahensya na maging mapagmatyag sa iba pang salarin upang mas marami silang matulungang biktima at malutas na kaso.

Sinabi pa ni Gatchalian na pinagkakakitaan man ng malaki ng mga hackers ang cybercrime at identity theft, sa huli ay mabigat nila itong pagbabayaran sa batas at kabilang na dito si Anacin at mga kasabwat niya sa paggawa ng krimen. (Dang Garcia)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *