243 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng dagdag na 243 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Huwebes, August 5, sumampa na sa 36,801 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,405 ang active cases at 34,974 naman ang gumaling.
422 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Ang 243 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:
Leyte (105)
Northern Samar (46)
Eastern Samar (39)
Tacloban City (29)
Samar (17)
Southern leyte (4)
Ormoc City (2)
Biliran (1)
Nananatiling nasa “low” ang average daily attack rate sa Biliran.
Habang pawang nasa “medium” na lamang ang average daily attack rate sa iba pang lalawigan sa rehiyon. (Dona Dominguez-Cargullo)