Davao Occidental dalawang beses niyanig ng magnitude 4.7 na lindol
Magkasunod na niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Unang naitala ng Phivolcs ang magnitude 4.7 na pagyanig sa 43 kilometers southweat ng Sarangani alas 12:56 ng madaling araw ng Huwebes, August 5.
29 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.
Naitala ang Intensity III sa Sarangani, Davao Occidental.
Alas 3:11 naman ng madaling araw niyanig din ng magnitude 4.7 na lindol ang jose Abad Santos, Dava Occidental.
Ang epicenter ng ikalawang pagyanig ay naitala sa 176 kilometers southeast ng Jose Abad Santos.
120 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Kapwa naman hindi nagdulot ng pinsala ang dalawang lindol. (DDC)