Mahigit isang toneladang patatas sa Benguet itinapon na lang matapos hindi mabenta at mabulok

Mahigit isang toneladang patatas sa Benguet itinapon na lang matapos hindi mabenta at mabulok

Kinumpirma ng Pamahalaang Panlalawigan ng Benguet na mahigit isang toneladang patatas ang itinapon sa bahagi ng Tublay dahil nabulok ang mga ito.

Ayon sa pahayag ng Benguet Public Information Office, dahil sa ilang araw nang pag-ulan dulot ng Habagat, hindi nadadala ng mga magsasaka ang kanilang ani sa palengke.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Department of Agriculture – Cordillera, napag-alaman na inani ang 1.5 toneladang patatas noong July 30 sa Bakun, Benguet.

Pero dahil basa ito bunsod ng pag-ulan, nagpasya ang magsasaka na patuyuin muna ito mula Sabado hanggang Lunes.

Gayunman, nananatili ang pag-ulan kaya hindi natuyo ang mga papatas. Sinubukan din itong ibenta subalit hindi na nabili dahil malapit nang masira ang mga ito.

Doon na nagpasya ang magsasaka na itapon na lamang ang kaniyang mga ani.

Kasabay nito, hinimok ni DA Regional Technical Director for Operations Dir. Danilo P. Daguio ang mga magsasaka na agad dalhin sa palengke ang kanilang mga ani.

Sa ngayon ani Daguio, ang Benguet Agri-Pinoy Trading center (BAPTC) ay bumibili din ng mga gulay na hindi nabebenta sa maghapon gamit ang pondo mula sa DA.

Dinadala ang mga binibiling gulay sa ibang rehiyon gaya ng National Capital Region. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *