Non-APOR papayagan nang maghatid-sundo ng healthcare workers sa kasagsagan ng ECQ – PNP
Papayagan na ang mga non-APOR na maghatid-sundo ng healthcare workers sa kasagsagan ng pag-iral ng Enhanced Community Quarantine.
Ayon kay PNP chief, Police General Guillermo Eleazar, papayagan ang non-APOR na driver kung ang ihahatid-sundo ay healthcare workers.
Kailangan lamang ipakita ng driver ang kopya ng ID ng healthcare worker na kaniyang inihatid o susunduin kapag naharang siya sa checkpoint.
Pag-uusapan naman ngayong araw ng mga otoridad ang isyu sa paghahatid-sundo sa iba pang APOR. (DDC)