192 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

192 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

Nakapagtala ng dagdag na 192 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Miyerkules, August 4, sumampa na sa 36,557 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 1,383 ang active cases at 34,752 naman ang gumaling.

422 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.

Ang 192 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:

Leyte (84)
Southern leyte (29)
Eastern Samar (25)
Tacloban City (24)
Samar (15)
Northern Samar (11)
Ormoc City (4)

Nananatiling nasa “low” ang average daily attack rate sa Biliran.

Habang pawang nasa “medium” na lamang ang average daily attack rate sa iba pang lalawigan sa rehiyon. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *