Magnitude 5.8 na lindol tumama sa Japan
Niyanig ng magnitude 5.8 na lindol ang Japan sa kasagsagan ng Olympic Games.
Naitala ng UGS Geological Survey ang oagyanig sa 75 miles east northeast ng Hasaki na 75 miles ang layo mula sa Tokyo.
Naramdaman din ang pagyanig sa Tokyo kung saan ginaganap ang Olympics.
Unang iniulat na magnitude 6.0 ang tumamang lindol pero kalaunan ay ibinaba ito sa 5.8.
Wala namang naitalang pinsala bunsod ng nasabing lindol.