183 na nag-boluntaryo para sa 24/7 vaccination sa Maynila, naisailalim na sa orientation
Umabot na sa 183 na professionals ang naisailalim sa orientation ng Manila City Health Department kaugnay sa planong 24/7 vaccination sa lungsod.
Ang 183 ay kabilang sa mga nagpahayag ng kagustuhang mag-volunteer para sa 24/7 vaccination.
Sa nasabing bilang, 3 ay pawang medical doctor, 7 ang dentista, 7 ang midwife, 31 ang nurse, 129 ang encoder, 3 ang Post Graduate Intern sa medical programs at 2 ang pharmacist.
Ngayong araw ng Miyerkules ay itutuloy ang orientation sa ikalawang batch ng mga nais maging volunteer. (Dona Dominguez-Cargullo)