Mga senador handang magbalik-sesyon anumang oras sa panahon ng ECQ

Mga senador handang magbalik-sesyon anumang oras sa panahon ng ECQ

Tiniyak ni Senate President Tito Sotto na handang magbalik sesyon ang mga senador anumang oras kung may mga panukalang dapat pag usapan habang nasa ilalim ng Enhanced community quarantine ang Metro Manila.

Ito ang dahilan kaya’t suspensyon lang at hindi adjournment ang kanyang idineklara sa pagtatapo ng kanilang regular session kagabi.

Ipinaliwanag din ni Sotto na ang deklarasyon nila ng suspensyon mula Aug 9 hanggang 20 ay hindi para sa mga senador kundi para sa kanilang mga empleyado.

Binigyang-dii ni Sotto na karamihan sa kanilang mga empleyado ay nagmumula sa mga karatig lalawigan ng NCR at hindi lahat ay may mga sariling sasakyan.

Sa gitna ito ng manifestation ni Senate Majority Leader Migz Zubiri kaugnay sa kanilang desisyon ng suspensyon sa gitna nang mga komentaryo na hindi kinakailangan ang pagtigil ng sesyon dahil sila ay essential workers.

Iginiit nina Sotto at Zubiri na hindi rin titigil ang mga senador sa pagtatrabaho dahil tuloy tuloy din ang kanilang mga konsultasyon sa iba’t ibang panukalang naka-pending sa kani-kanilang mga kumite. (Dang Garcia)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *