87 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng dagdag na 87 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Martes, August 3, sumampa na sa 36,372 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,348 ang active cases at 34,602 naman ang gumaling.
422 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Ang 87 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:
Ormoc CIty (30)
Leyte (29)
Tacloban City (13)
Eastern Samar (8)
Samar (7)
Nananatiling nasa “low” ang average daily attack rate sa Biliran.
Habang pawang nasa “medium” na lamang ang average daily attack rate sa iba pang lalawigan sa rehiyon. (Dona Dominguez-Cargullo)