Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa mahigit 6,800; dagdag na 48 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 6,800 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Martes, Aug. 3 ay 1,612,541 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 6,879 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,521,263 ang gumaling o katumbas ng 94.3 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 6,337 na gumaling.
63,137 naman ang active cases o katumbas ng 3.9 percent.
Nasa 28,141 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.75 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 48 pang nasawi. (Dona Dominguez-Cargullo)