Nesthy Petecio tatanggap ng P10M na halaga ng condo unit mula kay Andrew Tan
Bibigyan ng real estate tycoon na si Andrew Tan si Nesthy Petecio ng fully-furnished condominium unit sa Davao City.
Ang condo ng Suntrust Properties ay nasa P10 milyon ang halaga.
Ito ay kasunod ng pagkakapanalo ni Petecio ng silver medal sa Olympics.
Tubong Davao del Sur si Petecio.
Ayon sa Suntrust, deserve ni Petecio ang reward dahil sa makasaysayan nitong tagumpay sa Olympics.
Maliban sa condo unit, may nag-pledge na din ng house and lot kay Petecio mula sa Ovialand.
Tatanggap din siya ng lifetime na 600 miles per year mula sa Philippines Airlines.