75 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

75 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

Nakapagtala ng dagdag na 75 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Lunes, August 2, sumampa na sa 36,285 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 1,346 ang active cases at 34,518 naman ang gumaling.

421 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.

Ang 75 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:

Leyte (44)
Eastern Samar (11)
Tacloban City (10)
Southern Leyte (5)
Samar (5)

Ibinaba na sa “low” ang average daily attack rate sa Biliran.

Habang pawang nasa “medium” na lamang ang average daily attack rate sa iba pang lalawigan sa rehiyon. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *