Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa mahigit 8,100; dagdag na 77 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 8,100 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Lunes, Aug. 2 ay 1,605,762 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 8,167 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,516,054 ang gumaling o katumbas ng 94.4 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 9,095 na gumaling.
62,615 naman ang active cases o katumbas ng 3.9 percent.
Nasa 28,093 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.75 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 77 pang nasawi. (Dona Dominguez-Cargullo)