Curfew hours sa Metro Manila mas pahahabain habang umiiral ang ECQ
Mas pahahabain muli ang oras ng curfew sa Metro Manila sa kasagsagan ng pag-iral ng enhanced community quarantine.
Ayon kay MMDA Chiarman Benjamin Abalos, simlua sa August 6 ang curfew hours na paiiralin sa Metro Manila ay mula alas 8:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw.
Ito aniya ang napagpasyahan ng mga Metro Mayors.
Nasa bawat LGU naman ang pagpapasya kung magpapatupad ng liquor ban.
Ang ECQ sa Metro Manila ay iiral mula August 6 hanggang August 20.