Senado posibleng magsuspinde ng sesyon habang nasa ECQ ang NCR

Senado posibleng magsuspinde ng sesyon habang nasa ECQ ang NCR

Ikinukunsidera ng liderato ng Senado na suspindihin ang kanilang plenary sessions sa gitna ng pagpapatupad muli ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila mula August 6 hanggang 20.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, posibleng hindi sila magsagawa ng sesyon mula August 9 hanggang 11.

Subalit ngayong linggo ay tuloy pa ang kanilang regular sessions.

Sinabi naman ni Senate President Vicente Sotto III na magdedesisyon pa sila ngayong linggong ito kung ano ang sistema na kanilang ipatutupad.

Samantala, suportado naman ni Senador Panfilo Lacson ang desisyon ng gobyerno na isailalim uli ang National Capital Region (NCR) sa ECQ.

Iginiit ni Lacson na dapat talagang iprayoridad ang kalusugan sa gitna ng pagkalat ng delta variant. (Dang Garcia)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *