Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa mahigit 8,700; dagdag na 127 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 8,700 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Linggo, Aug. 1 ay 1,597,689 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 8,735 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,506,027 ang gumaling o katumbas ng 94.3 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 5,930 na gumaling.
63,646 naman ang active cases o katumbas ng 4.0 percent.
Nasa 28,016 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.75 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 127 pang nasawi. (Dona Dominguez-Cargullo)