150 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng dagdag na 150 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Linggo, August 1, sumampa na sa 36,210 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,426 ang active cases at 34,363 naman ang gumaling.
421 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Ang 150 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:
Leyte (43)
Tacloban City (36)
Eastern Samar (27)
Samar (24)
Ormoc City (10)
Southern Leyte (4)
Northern Samar (3)
Biliran (3)
Muli namang itinaas sa “high” ang average daily attack rate sa Eastern Samar.
Habang sa iba pang lalawigan sa Eastern Visayas ay nasa “medium” na lamang ang average daily attack rate. (Dona Dominguez-Cargullo)