25 lugar sa QC nakasailalim sa Special Concern Lockdown Areas
Nasa ilalim pa rin ng Special Concern Lockdown Areas ang dalawampu’t limang lugar sa Quezon City.
Ito ay dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.
Araw ng Linggo, August 1 nadagdag sa listahan ng mga lugar na nakasailalim sa lockdown ay ang isang compound sa Fatima Street, Brgy. UP Campus at isang lugar sa Bagong Buhay Street, Brgy. Sto. NiƱo.
Ayon sa QC LGU, 14 na araw ang lockdown at partikular na lugar lamang ang sakop at hindi ang buong barangay.
Namamahagi ang lokal na pamahalaan ng food packs at essential kits para sa mga apektadong pamilya.
Ang mga pamilyang nasa lugar na sakop ng lockdown ay sasailalim din sa swab testing.