166 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

166 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

Nakapagtala ng dagdag na 166 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Biyernes, July 30, sumampa na sa 35,860 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 1,432 ang active cases at 34,088 naman ang gumaling.

420 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.

Ang 166 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:

Leyte (59)
Samar (34)
Ormoc City (29)
Eastern Samar (21)
Tacloban City (17)
Southern Leyte (2)
Biliran (3)
Northern Samar (1)

Muli namang itinaas sa “high” ang average daily attack rate sa Eastern Samar.

Habang sa iba pang lalawigan sa Eastern Visayas ay nasa “medium” na lamang ang average daily attack rate. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *