Pagbabakuna sa mga kabataan dapat nang simulan – Sen. Zubiri

Pagbabakuna sa mga kabataan dapat nang simulan – Sen. Zubiri

Nanawagan si Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri sa Inter-Agency Task Force na simulan na ang pagbabakuna sa kabataan.

Sinabi ni Zubiri na dapat gayahin na rin ng Pilipinas ang ginagawa sa ibayong dagat na binabakunahan na ang kabataan para unti-unti nang makabalik sa normal ang pamumuhay.

Partikular na tinukoy ng senador na sa Delta variant ay tinatamaan din ang mga bata.

Sa panig ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, sinabi nito na dapat nang buksan para sa lahat ng mga gusto ang pagpapabakuna laban sa virus.

Ito ay upang mas marami ang mabigyan ng bakuna at huwag nang hintayin pa ang mga nagdadalawang-isip na magpabakuna.

Sa privilege speech ni Zubiri, sinabi nito na batay sa kinomisyon niyang survey ng Pulse Asia, lumitaw na 46 percent ng taumbayan ang nagsabi na hindi sila lalabas ng kanilang bahay sa araw ng eleksyon kung magpapatuloy ang Covid-19 pandemic. (Dang Garcia)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *