Alert status ng Bulkang Mayon ibinaba na sa Alert Level 0
Ibinaba na ng Phivolcs ang alert status ng Bulkang Mayon mula sa Alert Level 1 patungong Alert Level 0.
Nangangahulugan ito ayon sa Phivolcs na normal na ang status ng bulkan.
Sa nakalipas na anim na buwan, umaabot lang sa 0 to 5 kada araw ang naitatalang volcanic earthquakes sa bulkang Mayon.
Sa kabila ng pagbaba ng alert status, pinapayuhan ang publiko na iwasan pa rin ang pagpasok sa 6 kilometer permanent danger zone ng bulkan. (Dona Dominguez-Cargullo)