97 pang bagong Delta variant cases ng COVID-19 naitala sa bansa
Nakapagtala ng 97 pang bagong kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH), batay ito sa isinagawang sequencing ng University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC) at ng University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH).
Naitala ang 97 bagong Delta variant cases sa sumusunod na mga lugar:
– Central Visayas (32 cases)
– NCR (25 cases)
– E. Visayas (10 cases)
– Central Luzon (6 cases)
– Calabarzon (6 cases)
– Returning overseas Filipinos (6)
– W. Visayas (3 cases)
– Davao (2 cases)
– Ilocos (1 case)
Ayon sa DOH, nakapagtala na ng 94 na kaso ng Delta variant na gumaling na habang 3 ang pumanaw.
Samantala, maliban sa Delta variant, nakapagtala din ng 83 bagong kaso ng Alpha variant, 127 na Beta variant cases, at 22 P.3 variant cases.