Senator Richard Gordon na-admit sa ospital matapos magpositibo sa COVID-19
Kinailangang ma-admit sa ospital si Senator Richard Gordon matapos magpositibo sa COVID-19.
Naka-admit sa Makati Medical Center ang senador base sa payo ng kaniyang doktor.
Base kasi sa inisya na COVID-19 panel test results at high resolution chest CT-scan findings ay lumitaw na mayroon siyang COVID pneumonia.
Nagpasalamat naman ang senador sa mga nagpapadala ng mensahe at nag-aalay ng panalangin para sa kaniyang paggaling.