70 residente ng Brgy. Pag-asa sa Bagac, Bataan inilikas ng Coast Guard
Inilikas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasa 70 residente ng Barangay Pag-asa, Bagac, Bataan.
Ito ay kasunod ng mabilis na pagtaas ng tubig-baha dahil sa walang tigil na pag-ulan araw ng Huwebes, July 29.
Isinakay ang mga bata sa ‘improvised floater’ dahil umabot sa halos hanggang dibdib ang tubig-baha sa barangay.
Dinala ang mga inilikas na residente sa Bernabe National High School sa Bagac na nagsisilbi bilang evacuation center.
Sa Barangay Panilao, Pilar, Bataan dalawang pamilya naman ang inilikas ng PCG dahil din sa pagbaha.