82 pulis mula sa QCPD Station 3 nagpositibo sa COVID-19

82 pulis mula sa QCPD Station 3 nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 ang 82 pulis mula sa Station 3 ng Quezon City Police District (QCPD) sa Talipapa, Novaliches.

Ang mga pulis ay isinailalim sa COVID-19 test noong July 23 bilang bahagi ng libreng routine testing ng QC local government sa kanilang mga frontliner.

Ayon kaky CESU Chief Dr. Rolando Cruz, sa 161 na pulis na nakatalaga sa Station 3, 82 ang nagpositibo at negatibo naman sa sakit ang 79.

48 sa mga nagpositibo ay dinala na sa HOPE facilities ng lungsod noong Martes, July 27 at ang 34 ay naipasok na din sa pasilidad araw ng Miyerkules.

Inaalam na din kung mayroon sa 82 nagpositibo na kasama sa mga nai-deploy sa nagdaang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon naman kay Police Station 3 Commander Lt. Col. Cristine Tabdi patuloy na magbubukas ang istasyon ng pulisya at tatanggap ng reports o reklamo sa kanilang outdoor receiving area. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *