Hidilyn Diaz binigyan ng promosyon ng AFP kasunod ng tagumpay sa Olympics
Promoted sa ranggo bilang staff sergeant si Hidilyn Diaz kasunod ng pagkakapanalo ng gintong medalya sa Olympics.
Ang promosyon ay ayon kay Armed Forces of the Philippines chief Cirilito Sobejana kay Diaz ay epektibo noong Martes, July 27.
Sinabi ni Sobejana na inaprubahan ng Philippine Air Force ang promosyon ni Diaz.
Ani Sobejana, nagbigay ng pride si Diaz sa Pilipinas dahil sa kaniyang tagumpay
“We laud and support this move at the General Headquarters to mark SSg Diaz’ remarkable achievements in the field of sports and for bringing pride and glory to our country,” ani Sobejana.