Kuwait pinagbawalan ang mga mamamayan nilang hindi pa bakunado na magbiyahe sa ibang bansa
Bawal bumiyahe sa ibang bansa ang mga mamamayan ng Kuwait na hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.
Simula sa August 1, kasama sa mga pagbabawalan na bumiyahe sa ibang bansa ang mga batang edad 16 pabababa dahil hindi pa sila maaring bakunahan.
Ang lahat naman ng biyaherong dumarating sa Kuwait ay kailangang may negatibong resulta ng RT PCR test bago sumakay sa flight.
Sasailalim din sila sa pitong araw na home quarantine.