Tatlong dam sa Luzon nagpapakawala ng tubig
Tatlong dam sa Luzon ang nagpapakawala ng tubig dahil sa pagtaas ng water level bunsod ng lang araw nang pag-ulan.
Sa inilabas na abiso ng PAGASA Hydrology Division, may isang gate na nakabkas sa Ipo dam.
Nasa 100.92 meters ang water level ng dam at kaunti na lang ay maaabot na nito ang normal high water level na 101 meters.
Limang gate naman ang nakabukas sa Ambuklao dam.
Nasa 751.98 meters ang water level ng Ambuklao na malapit na rin sa 752 meters na normal high water level nito.
Habang ang Binga dam naman ay nasa 574.70 meters ang water level.
Anim na gate naman ang bukas sa Binga dam, dahil ang normal high water level nito ay 575 meters.
Samantala, ang La Mesa dam ay nasa 78.69 meters ang antas ng tubig. (Dona Dominguez-Cargullo)