Pamahalaan dapat nang magpatupad ng circuit-breaking lockdowns dahil sa mas nakahahawang Delta variant
Dapat nang magpatupad ng circuit-breaking lockdowns ang gobyerno dahil sa mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19.
Pahayag ito ng OCTA Research Group matapos ang pagkakaroon muli ng surge ng COVID-19 cases sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Researcher Ranjit Rye, kung magsasagawa ng preventive lockdowns sa loob ng susunod na dalawang linggo ay mapapababa ang mga kaso.
Bababa din ang mahahawa at masasawi at hindi rin gaanong maaapektuhan ang ekonomiya dahil sa maiksing panahon lang ng lockdown.
Bukas, araw ng Miyerkules nakatakdang ilabas ng OCTA ang kanilang COVID-19 cases projections para sa susunod na dalawang linggo.