18 Delta variant cases ng COVID-19 naitala sa Laguna
Nakapagtala ng 18 Delta variant cases ng COVID-19 sa lalawigan ng Laguna.
Kinumpirma ito ni laguna Gov. Ramil Hernandez.
Ani Hernandez, umaabot ng 2 hanggang 3 linggo bago malaman kung ano ang variant ng COVID-19.
Dahil dito maari aniyang magaling o cleared na ang pasyente bago lumabas ang resulta.
Gayunman, hindi pa rin nawawala ang posibilidad na sila ay maaaring nakahawa na bago na-test at na-clear lalo na kung nagkaroon ng exposure at close contact.
Dahil dito nagpaalala muli si Hernandez sa mga residente na maging mag-ingat, kahit ang mga fully vaccinated na.